CLUSTER MEETING PARA SA IPINAPATUPAD NA WASTE SEGREGATION SA BATANGAS CITY, IDINAOS

Photos: Palakat Batangas City

John Kenneth Mendoza

Bumisita ang Katuwang ng Barangay Responsable Aktibo Disiplanado (KABRAD) ng Batangas City sa coastal at island barangays ng lungsod nitong Abril 20 at 21 upang magdaos ng cluster meeting na sumisigurong naipapatupad ang waste segregation, pagban sa paggamit ng plastic, compost pit, at gawing operational muli ang materials recovery facility sa kanilang mga lugar.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga barangay officials at mga myembro ng solid waste management council mula sa anim na barangay ng Isla Verde at 13 coastal barangays.

Ang nasabing gawain ay nakaayon sa muling pagbabalik ng KABRAD coordinators sa kani-kanilang cluster areas upang tingnan ang proper waste segregation at masiguro ang pagsunod sa R.A. 9003 o ang Solid Waste Management Act of 2000.

Magsisismula ang obserbasyon ngayong Mayo 2022.