LUPA NG MUNISIPYO AT MGA PAMPUBLIKONG PARKE SA IBAAN, MAY TITULO NA

Photos: Mayor Joy Salvame FB Page

John Paul Villanueva

Iginawad ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang special patents sa pangalan ng munisipyo ng Ibaan kahapon, Abril 20.

Ang special patents ay titulo na ibinibigay sa mga ahensya ng gobyerno upang gawing pormal ang kanilang pamumusisyon at pagmamay-ari ng lupa.

Sakop ng ibinigay na special patent ng DENR sa bayan ng Ibaan ang Children’s Park, People’s Park kung saan nakatayo ang Recto Gym, at ang mismong kinatatayuan ng munisipyo na ilang dekadang walang titulo bagamat dati nang pagmamay-ari ng naturang bayan.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng mga pinuno ng Ibaan at naigawad na ang matagal nang hinihintay ng pamahalaang lokal.

Personal itong tinanggap ni Ibaan Mayor Joy Salvame kasama ang iba pang kawani ng bayan.