CALACA NANANATILING COVID-FREE, RESBAKUNA KIDS, UMARANGKADA

Nicole Urbano

Nananatiling COVID-free ang bayan ng Calaca sa Batangas.

Ayon sa tala ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan katuwang ang Barangay Health Emergency Response Team, dalawang libo siyam na daan pitumpu’t walo (2978) ang bilang ng recovered patients sa bayan at isandaan at labing-anim (116) ang sumakabilang buhay, na may kabuuang tatlong libo at siyamnapu’t apat (3094).

Samantala, umarangkada na ang Resbakuna Kids Team sa mga barangay ng Bambang, Makina at Sinisian na ginanap noong April 20, 2022.

Sa pamumuno ni Dra. Sharon Ona, nakapagtala ang Barangay Bambang ng nasa 144 na nabakunahan, 112 sa Makina at 135 na katao ang nabigyan ng proteksyon sa Sinisian para sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Layunin ng pamahalaan na masiguro na walang maiiwan sa proteksyon na maibibigay ng bakuna kontra COVID-19.

Sinigurado naman ng Lokal na Pamahalaan na sumusunod sa health protocols ang mga nakiisa sa naganap na Resbakuna.