MAG- UTOL TIMBOG SA BUY BUST OPERATION SA LUCENA CITY

frontpage online news - Ang magkapatid na naaresto sa isang buy-bust operatiion sa Lucena City (photo by Lucena PNP)
Ang magkapatid na naaresto sa isang buy-bust operatiion sa Lucena City (photo by Lucena PNP)

Allan Llaneta

Arestado ang mag-utol sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad sa isang bahay sa barangay Cotta sa Lucena City Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Lucena City Police Chief LtCol Reynaldo Reyes ang mga naarestong suspek na sina Bryan Dublas 28 at Aljun Dublas 24 anyos kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Lucena PNP, pasado alas 6:00 ng umaga ng masakote ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation. 

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu, mga drug pharapernalia at 500 peso bill na ginamit bilang mark money.

Kasalukuyang nakakulong sa Lucena Lock up jail ang mga suspek habang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous drug act of 2002.