MGA NEGOSYANTE SA STO. TOMAS CITY, NAGSAGAWA NG FEEDING PROGRAM

Photos: City of Sto. Tomas FB Page

John Kenneth Mendoza

Pinangunahan ng Entrepreneurs of the City of Sto. Tomas Association, Incorporated ang isang feeding program sa lungsod kaagapay ang lokal na pamahalaan at City Livelihood and Entrepreneurship Development Division (CLEDD) na isinagawa sa Barangay San Vicente, Sto. Tomas City, Batangas nitong Abril 21, 2022.

Limampung (50) bata ang naging benepisyaryo ng programa na ginanap sa tulong ng pamunuan ng barangay, barangay nutrition scholars at barangay health workers.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng kanilang Community Extension Services (CES).

Samantala, pinaalalahanan naman ang mga nais sumali sa Asosasyon ng mga Local Entrepreneurs o may mga katanungan sa mga programa ay bumisita lamang sa tanggapan ng CLEDD City Hall Compound, Annex Building, Poblacion 1, City of Sto. Tomas, Batangas.