SEND OFF CEREMONY NG IKALAWANG BATCH NG SEASONAL FARMWORKERS, ISINAGAWA

Photo: LGU San Juan Batangas

Nicole Urbano

Muling isinagawa noong ika-19 ng Abril ang ikalawang  Send Off Ceremony ng Batch ng Seasonal Farmworkers patungong Hongcheon-Gun Gangwon-do Province sa bansang South Korea.

Sa tulong ni San Juan Mayor Ildebrando Salud, muling nakaalis ang nasa tinatayang 67 na farmworkers dahil sa patuloy na pagkakaroon ng Sisterhood Agreement ng bayan ng San Juan at ng South Korea.

Taos puso naman ang pasasalamat ni Salud kay Jun Sevilla, Sanggunian ng Bayan secretary, sa koordinasyon sa mga opisyales ng Hongcheon-gun para maasikatuparan ang programang ito.

Nakatakda namang umalis sa mga susunod na linggo ang lima pang batch ng mga farmers.