KAUNA- UNAHANG AURA ALA-EH! “HAMPASAN” VOLLEYBALL LEAGUE NG LGBTQIA-SILBI BATANGAS CHAPTER ISINAGAWA

Photo: Palakat Batangas City

Mary Rose Isla

Matagumpay na isinagawa nitong ika- 24 ng Abril sa  Batangas City Sports Center ang kauna-unahang Aura Ala-Eh! “Hampasan” volleyball league ng LGBTQIA-SILBI Batangas Chapter.

Tinanghal na kampeon ang Team Margaux na nagwagi ng P10,000 cash  at all expense paid trip to Boracay.

Sa ikalawang pwesto naman ay nanalo ang Team Spikers na nagkamit ng P5,000 habang ang koponan naman mula sa Barangay 24 ang nagkamit ng ikatlong pwesto at cash prize na P3,000.

Ayon kay LGBTQIA-SILBI Batangas Chapter President Ariane Gamboa, layunin ng nasabing liga na maipakita ang angking husay at galing ng mga Batanguenong “homosexual” o lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual.

Dagdag pa niya, ito ay pagkakataon upang makabuo rin ng isang grupo ng mga manlalaro na lalaban sa mga provincial competition sa larong volleyball.