LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA CALATAGAN, BATANGAS, INUMPISAHAN NA

Photo: John Kenneth Mendoza

John Kenneth Mendoza

Matapos ang mahigit dalawang taong modular at online learning, balik eskwela na ngayong araw, Abril 25, ang mga estudyante sa Lucsuhin National High School at Calatgan National High School, Calatagan, Batangas, para sa muling pagsasagawa ng limited face-to-face classes.

Matatandaang pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik eskwela para sa mga probinsyang nasa ilalim ng Alert Level 1, may sapat at handang kagamitan, habang patuloy na ipinapatupad ang minimum health standards.