BATANGAS CITY PANALO SA SEASON OPENER NG MPBL

Photo: Palakat Batangas City

Mary Rose Isla

Sinimulan na ang liga ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nitong Martes, ika-26 ng Abril 2022 sa Batangas City Sports Coliseum.

Ang unang kalahok sa laro ay ang Batangas City Embassy Chill at Imus City Bandera. Sa kabila ng kakulangan sa ilang players ng Embassy Chill, gumamit ang home team ng malakas na depensa para sabayan ang Imus City Bandera, 76-56.

Nanguna ang Bandera pagkatapos ng 1st quarter hanggang sa gumawa ng adjustments ang Chill at pinalakas ang kanilang depensa, nagbigay lamang ng 8 at 10 puntos sa gitna ng 2 quarters.

Ang Chill ay pinangunahan ng Best Player of the Game na si Levi Hernandez na may 15 Points at 5 Rebounds. Nagtapos si Jong Baloria ng 15 puntos sa loob ng 11 minuto habang nagtapos si Mark Dela Virgen ng 10 puntos at 7 rebounds.

Si Coach Cholo Villanueva ang tumatayong mentor ng Batangas City squad na binubuo ng parehong koponan na lumalaban sa Filbasket.

Dumalo rin sa event ang boxing legend na si Senator Manny Pacquiao ang  bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng liga.

Ang liga ng MPBL ay patuloy na gaganapin sa Batangas City Coliseum at ipapalabas ng live sa One PH channel tuwing Lunes at Martes ng alas nueve ng gabi (9pm).