HABING IBAAN EXHIBIT, TAMPOK SA WORLD TRAVEL AND TOURISM COUNCIL PRE-EVENT TOUR SA MANILA

Photo: Mayor Joy Salvame FB Page

John Paul Villanueva

Isa ang habing Ibaan sa mga itinampok sa makasaysayang pagho-host ng Pilipinas ng World Travel and Tourism Council Global Summit sa pamamagitan ng isang exhibit  nitong Abril 20 sa Intramuros, Manila.

Bumida ang Habing Ibaan sa Pre-Event Tour kung saan ipinagmalaki ng mga tradisyunal na maghahabi ng Ibaan ang tradisyon, sining, kultura at hibla ng pagkatao ng bawat Ibaeño, ang Habi.

Pinangunahan ito ng mga maghahabi mula sa SM Sunrise Weaving Association sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Ibaan at Municipal Tourism Office.

Ang nasabing pagtatampok ay dinaluhan ng mga panauhin mula sa iba’t-ibang bansa.