MGA NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 SA BATANGAS CITY, UMABOT NA SA HIGIT KALAHATING MILYON

John Kenneth Mendoza

Umabot na sa 598,086 ang mga nabakunahan ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine pati na rin ang booster shot nito sa Batangas City sa isinasagawang vaccination drive ng City Health Office (CHO) sa loob ng isang taon.

Ito ay mula sa A1-A5 category.

Patuloy pa rin ang  rollout ng unang booster shot sa mga  nakakumpleto na ng 1st at 2nd dose. 

Tuloy-tuloy din ang pagbabakuna para sa mga edad 5 taong gulang pataas.

Inihahanda  na  rin ang  pagbibigay  ng ikalawang booster shot kontra COVID-19 sa mga  immunocompromised na mga indibidwal. 

Samantala, pinapaalalahan naman ang mga residente na kailangan ay tatlong buwan pataas ang pagitan mula sa una at pangalawang booster.