PAGSASANAY PARA SA WATER DEMAND MANAGEMENT, ISINAGAWA

Photo: Palakat Batangas City

John Kenneth Mendoza

Bilang pagdiriwang ng Earth Day, nagsagawa ng Water Demand Management Training ang Batangas City nitong Abril 22 – 23, 2022.

Layunin ng nasabing pagsasanay ang pagkakaroon ng kaalaman sa water demand management at mga proyekto at programang maaaring gawin ukol dito.

Nagkaroon ng webinar tungkol sa mga estratehiya para sa water demand sa unang araw ng pagsasanay, at tungkol naman sa water audit sa ikalawang araw.

Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaang lungsod ng Batangas, LGU Nasugbu, Batangas State University, Polytechnic University of the Philippines, MAPUA University, at Nalco Philippines.

Pinangunahan ang programa ng Philippine Institute of Chemical Engineers (PIChE) – Batangas Chapter, Water Alliance, at City Environment and Natural Resources Office (ENRO).