BATAS NA NAGDEDEKLARA SA BAYAN NG SAN JOSE, BATANGAS BILANG ‘EGG BASKET OF THE PHILIPPINES’, APRUBADO NA

Nicole Urbano

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-17 ng Abril ang Republic Act 11707 na nagdedeklara sa bayan ng San Jose sa lalawigan ng Batangas bilang Egg Basket of the Philippines.

Kinikilala ng naturang batas ang local at national ‘economic significance’ ng industriya ng nasabing bayan, o ang malaking kontribusyon nito sa ekonomiya ng San Jose.

Tinatayang nasa 12% ng produksyon ng itlog sa bansa ang nagmumula sa bayan ng San Jose.