27 TOMASINO NAGTAPOS SA JAPANESE LANGUAGE TRAINING COURSE

Photo: City of Sto. Tomas

John Kenneth Mendoza

Iginawad kahapon, Abril 27, ang sertipiko ng matagumpay na pagtatapos para sa kurso ng pagsasanay sa Japanese Languge Training Course ng Plastone Languge School, Inc. kaagapay ang tanggapan ng Public Employment Service Office sa dalawampu’t pitong graduates nito sa lungsod ng Sto. Tomas sa Batangas.

Layunin ng programa ng lokal na pamahalaan na itaas ang lebel ng abilidad ng mga kababayan para sa patuloy na pag-angat ng kaalaman, kakayahan at antas ng kanilang pamumuhay.

Personal na iginawad ang mga sertipiko nila Mr. Amor Rey Añora at Mr. Elvon Gonzaga mula sa PLSI sa pamamagitan ng isang simpleng graduation ceremony.

Matapos ang programa ay agad naman itong nasundan ng isang orientation para sa 57 indibidwal na bubuo ng new batch ng mga nagnanais pang matuto ng wikang Nihongo.