PAGPUPULONG PARA SA ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT SA BATANGAS CITY, ISINAGAWA

Photo: Palakat Batangas City

John Kenneth Mendoza

Dumalo ang nasa 1500 barangay officials at mga myembro ng Barangay Solid Waste Management Committee sa isinagawang  Barangay Ecological Solid Waste Management Committees Assembly sa Batangas City Sports Center kahapon, Abril 27.

Layunin nito na muling paigtingin   ang  pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act of 2000 sa lungsod.

Malaki ang maitutulong  nito upang  matugunan at mabawasan ang problema sa climate change na nagdudulot ng mga kalamidad. 

Tumayong resource speaker si Ms. Romiseth Perez mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na  tumalakay sa  papel na dapat gampanan  ng barangay sa  pamamahala ng basura.

Samantala, nagbahagi naman si Ms. Mylene Follero ng DILG ng mga paraan kung paano palalakasin muli ang solid waste management council na tutugon sa problema sa basura.

Ang  nasabing assembly ay pinangasiwaan ng City Solid Waste Management Board (CSWMB).