MAG-AMA TINAMBANGAN, TATAY PATAY,  4 ANYOS ANAK  SUGATAN

frontpage online news - Sariaya Quezon Map

Ylou Dagos

Patay ng isang 38-anyos na vendor samantalang sugatan ang 4 na taong gulang na anak nito matapos tambangan habang papauwi sa kanilang bahay sakay ng tricycle sa Sariaya, Quezon.

Agarang namatay ang biktimang si Edmar Samarita dahil sa mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Naisugod naman sa ospital sa Lucena City  at nilalapatan ng lunas ang anak nito na nagtamo rin ng mga tama matapos na walang habas na magpaputok ang hindi nakilalang suspek.

Batay sa report ng Sariaya police, bandang alas 7:40 ng Huwebes ng gabi, sakay ang mag ama sa kanilang tricycle at pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Montecillo, Sariaya nang ratratin sa may barangay road sa Sitio Masigasig. 

Agad bumulagta ang nagmamanehong biktima.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nawala sa kadiliman ng gabi.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang suspek.