BINATILYO, NALUNOD SA PANTIHAN FALLS SA MARAGONDON, CAVITE

Photo Courtesy: Cavite Coast Guard 

Jennica D. Escrupulo

Isang 17-anyos na lalaki ang nalunod habang naliligo kasama ang kanyang mga kaibigan sa Pantihan Falls noong Martes, Mayo 3, 2022.

Kinilala ng Maragondon Municipal Police Station (MPS) ang biktimamg si Jerome Montilla, residente ng Naic, Cavite. 

Ayon sa mga saksi, nagswimming sa ilog si Montilla dakong alas-3 ng hapon pero hindi na ito nakaahon pabalik sa ibabaw ng tubig.

Nakuha ng mga operatiba ng Coast Guard ang bangkay ni Montilla bandang alas-5:24 ng hapon.

Ayon kay Cpl. Juviel De Leon ng Maragondon MPS nasa 15 hanggang 20 Binatilyo, nalunod sa Pantihan Falls sa Maragondon, Cavite

Samantala, posibleng nagkaroon ng muscle cramp o nasugatan ang paa ni Montilla nang lumusong sa ilog, ayon kay De Leon. 

Dagdag pa ni De Leon, isinara ang Pantihan Falls para sa paliligo mula noong 2020 dahil sa mga nakaraang insidente ng pagkalunod. 

Ang ilog ay humigit-kumulang 200 metro mula sa pinakamalapit na kalsada, na nagpapahirap sa pagresponde sakaling may mga emergency.