COORDINATION MEETING NG PROVINCIAL HEALTH BOARD AT PRIVATE AND PUBLIC HOSPITALS, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG BATANGAS

Elvis Jay Dote

Nagsagawa ng coordination meeting ang Provincial Health Board at Public Hospital noong Lunes sa Batangas City.

May layunin ang pulong na talakayin ang mga hakbang upang maayos na maibahagi ang Universal Health Care Law.

Lumahok sa pagpupulong sina Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, Provincial Administrator Willie Racelis, PSWDO Chief Joy Montalbo, PHO Chief Rosvilinda Ozaeta, at Board Member Arlene Magboo.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang mga kinatawan ng bawat private hospital magtanong tungkol sa nasabing batas. 

Ang diskusyon ay nagbigay-daan upang mapatibay ang ugnayan ng mga pribadong hospital sa batangas at ng pamahalaang panlalawigan.

Samantala, binigyang-pansin din sa nasabing pagpupulong ang pagsasagawa ng No Balance billing upang mas makatulong pa sa mga nangangailangan.