ARMADONG SUSPEK PATAY SA ENGKUWENTRO SA CHECKPOINT SA STA. MARIA, LAGUNA

Photo courtesy: Police Regional Office 4A

Azel Beatrice Cabiscuelas

Patay ang suspek samantalang sugatan naman ang isang miyembro ng Philippine Army matapos nitong awatin ang armadong suspek na nanutok ng baril sa isang pulis sa isang COMELEC checkpoint sa Laguna

Nangyari ang engkuwentro sa J.P. Rizal Provincial Road, Brgy. Cabuoan, Santa Maria, Laguna bandang 8:05 ng umaga, May 4.

Habang nagsasagawa ng joint COMELEC checkpoint ang Sta. Maria Police Station kasama ang personnel ng 1st Infantry Brigade, 2nd Infantry Division, biglang tinutukan ng baril ni  Rolando Villegas Lopez si Police Senior Master Sergeant Eleuterio C. Maranan. 

Agad na inawat ni Staff Sergeant Joel Rellosa ang suspek subalit siya ang tinamaan ng bala sa binti matapos siyang paputukan. 

Doon na nagsimulang gumanti ang mga pulis hanggang sa mapatay ang suspek

Ilang araw bago mangyari ang insidente, napagalaman na nasita na sa checkpoint ni PSMS Maranan si Lopez na nagbunsod para tutukan nito ng baril ang sundalo. 

Dinala naman sa Provincial Hospital and Medical Center sa Santa Cruz, Laguna ang sugatang si SSg Rellosa habang ang labi ng suspek ay inilipat sa Susan Vazquez Funeral para sa autopsy.