DOST-CALABARZON, INILUNSAD ANG ITATAYONG MINI SCIENCE CENTRUM SA LALAWIGAN NG QUEZON

Photo Courtesy: DOST CALABARZON

Jennica D. Escrupulo

Pormal na sinimulan ng Department of Science and Technology ng CALABARZON (DOST-CALABARZON), kasama ang Philippine Foundation for Science and Technology (PFST), at ang Department of Education (DepEd) Division of Quezon ang paglunsad ng proyektong pinamagatang, “Establishment of Mini Science Centrum for Selected Island Municipalities in Quezon Province” 

Isinagawa ang aktibidaf sa pamamagitan ng isang maikling Ceremonial Memorandum Agreement ( MOA ) Signing noong Mayo 4, 2022.

Ayon sa DOST Community Empowerment thru Science and Technology (CEST), ang proyekto ay naglalayong ilapit ang agham sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) sa Quezon Province sa pamamagitan ng paglulunsad ng Mini Science Centrums sa huling bahagi ng taong ito.

Photo Courtesy: DOST CALABARZON

Samantala, ang mga Mini Science Centrum na ito ay itatatag sa Polillo Central Elementary School sa Polillo District at sa Cesar C. Tan Memorial High School sa Quezon District.

Dagdag pa rito, dinaluhan ng mga pinuno ng bawat collaborating organization ang Ceremonial MOA Signing kasama rito ang Regional Director Emelita P. Bagsit at Assistant Regional Director for Technical Operations Engr. Francisco R. Barquilla III (DOST-CALABARZON), Executive Director May M. Pagsinohin (PFST), at OIC – Office of the Schools Superintendent Dr. Elias A. Alicaya Jr., EdD, (DepEd Division of Quezon).