PAGTATAYO NG EMERGENCY OPERATION CENTER BUILDING SA ANTIPOLO, RIZAL, SINIMULAN NA 

Photo Courtesy: Jun – Andeng Ynares (Facebook)

Azel Beatrice C. Cabiscuelas

Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng Antipolo Emergency Operation Center Building kahapon, May 4, sa pangunguna ni Antipolo Mayor Andrea Ynares.

Tatlong palapag ang itatayong building na kapapalooban ng iba’t ibang tanggapang naglalayong mas mapabilis ang pagresponde sa mga nangangailangan.

Ayon kay Ynares, nagkaroon ng mas matinding pangangailangan upang magdagdag ng pasilidad lalo na at mayroon pa ring pandemya.

Magsisilbi itong tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at mga opisinang may kinalaman sa public safety and security tulad ng Office of Public Safety & Security, Antipolo City Anti-Drug Abuse Council, Antipolo Peace & Order Council, Bureau of Fire & Protection (BFP), Military Reservists, Red Cross, NBI atbp.

Mayroon ring helipad sa roof deck na maaaring pagdaungan ng helicopter sa panahon ng emergency.