2022 SEAL OF GOOD GOVERNANCE REGIONAL VALIDATION ISINAGAWA SA BATANGAS

Photo Courtesy: BATANGAS PIO

Stefhanie Loraine Ramos

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ika-5 ng Mayo ang Regional Validation para sa 2022 Seal of Good Local Governance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Dumaan sa pagtatasa at pagsusuri ng Regional Assessment Team, na binubuo ng mga provincial directors ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – CALABARZON at mga opisyal ng DILG-Region 4A, ang iba’t ibang tanggapan ng Kapitolyo, kaugnay sa 10 assessment criteria o pamantayan.

Pinangunahan ang assessment nina DILG Provincial Director Abigail Andres at Provincial Planning and Development Coordinator, Engr. Evelyn Estigoy. 

Noong 2018, ginawaran ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Post-Conferment Qualifier award matapos makasama ito sa mga good governance awardees na nakapasa sa lahat ng criteria para sa taong 2017.

Nauna nang nakuha ng Batangas Provincial Government ang SGLG awards noong 2015 at 2016.