4 ARESTADO SA ILIGAL NA SABONG SA LIPA

📷Lipa Pulis

Jemina Marie Daplin

Apat na katao ang arestado matapos masangkot sa iligal na pagsasabong sa Brgy. Adya, Lipa City, Batangas, kahapon, Mayo 5.

Ayon sa Intelligence Operatives ng Lipa City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Ronald Pombo Cayago, apat na manok na panabong at walong cockfighting gaff ang nakumpiska mula sa mga sangkot. 

Nakilala ang mga ito na sina Rico, 48 taong gulang, Inaw, 36 taong gulang, Arnel, 53 taong gulang, at Kevin, 24 taong gulang.

Kasalukuyang nahaharap ang mga arestado sa kasong paglabag sa Cockfighting Law of 1974.