PAGBOTO NG MGA INMATES SA CAVITE, PINAGHANDAAN NA

Jemina Marie Daplin

Naghanda na ng botohan para sa mga persons deprived of liberty (PDL) ang Cavite Provincial Jail ngayong darating na Eleksyon sa Mayo 9 sa tulong ng Department of Education (DepEd).

Sa darating na lunes, alas-4 ng umaga pa lamang ay iseset-up na nila ang apat na voting precincts habang ang mismong botohan naman ay magsisimula sa ganap na alas-7 nang umaga hanggang alas-3 nang hapon.

Ayon sa pamunuan ng nasabing Provincial Jail,  mayroong 297 na botanteng detainees.

Nakasaad sa COMELEC Resolution No. 10482, mga kandidatong para sa pagka-presidente, bise presidente, senador, at party-list lamang ang pwedeng iboto ng mga inmates.