QUALIFIED TRICYCLE DRIVERS MAKAKATANGGAP NG FUEL SUBSIDY

đź“· Bernard Spragg

Azel Beatrice Cabiscuelas

Pinapaalalahanan ang lahat ng drivers na nagmamaneho ng tricycle na may prangkisa na makipag-ugnayan sa kanilang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) president o magtungo sa opisina ng City Tricycle Operator’s Permit Regulatory Board (CTOPRB) sa Sangguniang Panlungsod ng Sto. Tomas hanggang Mayo 10 upang makatanggap ng fuel assistance.

Bahagi ito ng Pantawid Pasada Program kaya bilang paghahanda ay kinakailangang magpasa ng validated list ng mga qualified tricycle drivers ang Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas.

Layunin ng programa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na makaagapay ng gobyerno sa pagsugpo sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis lalo na sa mga grupong lubhang naapektuhan nito.

Sa mga unang napabilang sa listahang isinumite, inaabisuhang ibigay ang Driver’s License Number sa TODA President o sa CTOPRB para sa iba pang mga requirement na hinihingi ng DOTr.