PHILHEALTH, MAY TAAS SINGIL SA DARATING NA HUNYO

📷 source: PhilHealth

Pia Abrigo

Inaasahan ang pagtaas sa singil ng contributions sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) alinsunod sa Universal Health Care (UHC) Law ngayong darating na Hunyo.

“…the monthly Philhealth contribution by each individual shall be P400 for those earning P10,000 while the annual premium shall be P4,800. For those who are earning the ceiling is P80,000, the monthly PhilHealth contribution shall be P3,200, while the annual PhilHealth contribution shall be P38,400” pahayag ni Rex Paul Recoter, PhilHealth Senior Manager for Formal Sector-member Management Group.

Base sa UHC Law, magkakaroon ng karagdagang singil ng 0.5 percent kada taon ang mga miyembro na kasapi dito.

Nagsimula ang implementasyon nito noong taong 2019, kung saan nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong makapagpaabot ng tulong sa serbisyong medikal para sa mga Pilipino.

Matatandaan naman na sinuspinde ng PhilHealth ang pagtaas ng singil taong 2021 dahil sa epekto ng pandemya sa bansa.

“In preparation for the reinstating, what is written in the law—the four percent—we have been meeting with the different stakeholders last week— the labor groups, employer groups, professionals, and several others, to give them updates and inform them on the hike before we come up with a public advisory on this,” pahayag ni Philhealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo.