BOTOHAN SA BATANGAS CITY EAST ELEMENTARY SCHOOL, NAANTALA

📷 Palakat Batangas City

Elvis Jay Dote

Naantala ang botohan sa Barangay Poblacion 5 clustered precincts sa Batangas City East ES  matapos pumalya ang Vote Counting Machine (VCM) ngayong araw May 9.

Ayon sa ulat, agad namang rumesponde ang Department of Education Supervisor Official (DESO) upang maayos ang makina ngunit hindi pa din basahin ng VCM ang mga balota kaya’t nakipag-ugnayan na sila sa Comelec Election Monitoring Action Center (CEMAC) upang mapalitan ang mga ito.

Ayon kay Amparo Perez, Principal ng BCEES, napagdesiyunan nila na ipagpatuloy ang botohan upang maiwasan ang paghaba ng pila.

Samantala, inabisuhan at humingi ng permiso ang Board of Election Inspector (BEI) na ipagkatiwalang iwanan sa kanila ang mga balota ng mga botante. Kinuha ang kanilang mga pangalan at contact number sapagkat nasabing BEI na ang magpapasok ng kanilang mga balota kapag napalitan na ng bago ang mga VCM.