ILAN SA VCM SA LUCENA CITY, HINDI GUMAGANA

Allan Llaneta

Kasalukuyang naantala ang botohan sa ilang barangay dito sa Lungsod ng Lucena dahilan sa mga hindi gumaganang Vote Counting Machine o VCM.

Kabilang sa mga nagkaproblema sa VCM ang Lucena South 1 Barangay Cotta at Lucena East 5 sa Barangay 4 dito sa Lungsod ng Lucena.

Ayon naman sa Board of Election Inspector, para di maantala ang pagboto ay sinunod muna nila ang payo ng COMELEC na magpaboto subalit pansamantala ay iniipon muna sa isang box ang mga balota na may boto na.

Hihintayin muna nila ang taga Smartmatic para maayos ang VCM.

Pumayag naman ang ilang botante na maghintay sila hanggang maayos ang VCM.