MGA KABATAAN NAGTIPON SA LIPA CITY BILANG PROTESTA LABAN SA COMELEC

📷 LAVOXA

Jennica Escrupulo

Nagtipon ang mga Progressive Youth Organizations sa Plaza Independencia sa Lipa City, Batangas ngayong Martes, Mayo 10, upang kondenahin ang kapabayaan ng COMELEC sa iba’t ibang diumano’y anomalya na may kinalaman sa halalan sa buong bansa.

Ayon kay Renz Sapitanan na isang estudyante, ang nagudyok sa kanyang desisyon na dumalo sa pagtitipon ay ang kanyang konsensya at kamalayan sa mga kasalukuyang kaganapan, lalo na sa mga naganap na botohan sa bansa.

📷 LAVOXA

Dagdag pa niya, “Kahit na hindi naman ako ganoon maaapektuhan ng resulta, nakikita ko kasi ‘yung mga maapektuhan […] Kasi ‘yung boto ko naman hindi [lang] para sa akin, para rin sa kalahatan. So ba’t natin sasayangin diba, ba’t natin hindi ipaglalaban,”