MGA NANALONG MIYEMBRO NG PAMILYA REVILLA SA CAVITE IDINEKLARA NA

📷 PIA Cavite

Jennica D. Escrupulo

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga bagong halal na opisyal ng pamahalaang lungsod ng Bacoor, Cavite ngayong araw, Mayo 10.

Idineklara ang bagong Alkalde ng lungsod ng Bacoor na si Strike Revilla matapos makatanggap ng 178, 388 na boto. 

Samantala, si Lani Mercado-Revilla ay nahalal naman bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cavite na may 168,385 na boto habang si Jolo Revilla ay magsisilbing kinatawan ng unang distrito na may 102,259 na boto. 

Nanalo rin bilang bokal ng ikalawang distrito si Ram Revilla Bautista.