KAGAWAD PINASABOG ANG BUNGO

Ylou Dagos

Patay ang isang barangay kagawad matapos na ito ay barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Sariaya, Quezon Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Apolinario Rivarez, 66, residente at incumbent barangay kagawad ng Brgy. Bignay 2.

Batay sa report ng Sariaya police, dakong alas 8:25 ng gabi, nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima at umiinom ng lambanog nang malapitang barilin ito sa ulo ng salarin gamit ang isang maiksing baril.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Agad na tumakas ang suspek.

Palaisipan naman sa pulisya at sa mga kapamilya ang motibo sa pamamaril.