KARERA NG KARABAW 2022, ISINAGAWA SA TAYABAS CITY

📷 CICRO Tayabas

Pia Abrigo

Matagumpay na isinagawa ang paligsahan ng mga karabaw noong Mayo 10, 2022 bilang parte ng pagdiriwang ng Mayohan Festival sa bayan ng Tayabas sa Quezon.

Pinangunahan ng Tanggapan ng Panlungsod na Pagsasaka ang gawaing ito at ginanap sa Brgy. Masin.

Nasa 13 na katao ang lumahok sa karera at sa huli ay itinanghal na kampeon si Roque Macasinag Jr. na nakatanggap ng Php 5000 na cash prize, pumangalawa naman si Jaylo Nanea sa pagkapanalo at nakatanggap ng Php 3000 cash prize.

Samantala, nakatanggap pa rin ng consolation prize na Php 1000 ang iba pang lumahok sa karera na sina Sario R. Latag , Rolando Esperaz, Policarpio Reyes, Bernardo L. Caagbay, Noriel M. Aranilla, Ariel Cabriga, Juanito Abrencillo, Martino C Oabel, Joel A. Yanos, Alberto Q. Ramos at Jun O. Dadios.

Sa ngayon ay patuloy pa rin na idinaraos ang Mayohan Festival sa Tayabas City bilang pagpupugay sa mga magsasaka at agrikulturang sektor ng lalawigan.