
Jennica D. Escrupulo
Matapos iproklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Tobit Cruz bilang isa sa mga halal na konsehal ng Taytay, Rizal, kahapon, Mayo 10, sinimulan na niyang tanggalin ang kanyang mga tarpaulin na ginamit sa kanyang pangangampanya at handang isulong ang pagre-recycle ng mga ito tulad ng paggawa ng mga tote bags upang makagawa ng kita at kabuhayan.

Ang mga tarpaulin na gagawing tote bags ay tatahiin ng isang organisasyon ng mga kababaihan.
Ayon sa konsehal, “Wala pa yatang 20% ang natanggal namin na tarps, pero bukas ulit. Nakakatuwa kasi may mga nagvo-volunteer sumama at tumulong kaya bubuo kami ng isa pang team bukas.”