MAG-ASAWA INAMBUSH SA CAVITE, PATAY

Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng SOCO ang kotse ng mag-asawang inambush sa General Trias Cavite (📷 General Trias PNP)

Arnell Ozaeta / Jemina Daplin

Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City-  Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang mag-asawa matapos tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek sa General Trias, Cavite Huwebes ng hapon. 

Kinilala ni PLTCOL NORMAN T RAÑON, Chief, Cavite Police Provincial Public Information Office ang mga biktimang sina identified Vincent Cabugnason, 31at asawa nitong si Marilyn, 31, pawang mga residente ng Barangay San Bartolome Sto. Tomas, Batangas. 

Ayon sa report, sakay ng kotse ang mag asawa at binabagtas ang kahabaan ng Sitio Carapiohan Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite, nang pagbabarilin sila bandang alas- 2:15 ng hapon. 

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa dipa malamang direksyon.

Isinugod pa sa GEAM Hospital ang mag-asawa pero ideneklara na ang mga ito ng dead on arrival ng mga doktor.

Inaaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo at ang nasa likod ng krimen.