NEWS WRITING SEMINAR IDINAOS SA BJMP

đź“· BJMP CALABARZON Region

Stefhanie Loraine Ramos 

Isinagawa ang Online Seminar on News and Feature Writing ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMPP) CALABARZON upang patuloy na mapabuti ang oral at written communications sa mga sangay ng jail services. 

Sa ilalim ng pamumuno ni Jail Chief Superintendent (JCSUPT) Arnel S. Gongona, DSC at Community Relations Service Section na pinamumunuan naman ni Jail Inspector (JINSP) Tristan Allan D. Manzanal isinagawa ang seminar noong ika-11 ng Mayo.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ni Ms. Fatima May Virrey kung saan nakakuha siya ng mga bagong natutunan sa mga kalahok, upang maunawaan ang mga batayan ng balita at feature-writing.

Namataan rin sa programa si Jail Senior Superintendent (JSSUPT) Ma. Arlene T. Gillera, Assistant Regional Director for Administration na nagbigay mensahe at kabatiran patungkol sa mga usapin. Gayundin si JSSUPT Ambrocio B. Ambulan, Assistant Regional Director for Operations. Dumalo rin ang mga miyembro mula sa Community Relations Service Section and all unit CRS Officers region-wide.