BADING TODAS SA BUGBOG NG 4 NA MENOR DE EDAD

Ylou Dagos

Nasawi ang isang   miyembro ng  LBGTQ matapos na ito ay pagtulung-tulungang bugbugin ng apat na menor de edad na lalaki sa Taal, Batangas noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Malvin Araja,  alyas Marga, Janine at Eva,  isang bading.

Batay sa report ng Taal police station, nakasagutan ng biktima ang apat na binatilyo na may edad na 15 hanggang 16 pasado alas dose ng hatinggabi sa Brgy. Zone 5, sa nasabing bayan.

Binugbog ng apat ang biktima hanggang sa mawalan ito ng malay.

Isinugod ang biktima sa isang ospital sa lemery dahil sa pinsalang tinamo nito sa kanyang ulo.

Subalit binawian din ito ng buhay matapos ang kalahating oras  na nilalapatan ng lunas.

Inaresto naman ng awtoridad ang mga suspek at dinala sa tangapan ng DSWD sa bayan ng Lemery.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga suspek  kung ano ang pinagsimulan ng kaguluhan na nauwi sa pambubugbog nila  sa biktima.