GCQ SA CALABARZON, FAKE NEWS!

📷 PIA BATANGAS

Stefhanie Loraine Ramos

Pinabulaanan ng Department of Health ang kumakalat na impormasyon sa social media ukol sa anunsyo ng pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa rehiyon ng CALABARZON mula Mayo 16 hanggang 31.

Ayon sa DOH ang pagamit ng quarantine labels tulad ng “GCQ” ay hindi na ginagamit. Nagpaalala naman ang DOH na maging mapanuri at tingnan ang mga bago at totoong updates sa mga nababasang post sa social media.

Hinihikayat ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga official Facebook page ng Department of Health at Philippine Information Agency Calabarzon para sa mga pinakabagong update at panatilihin ang pag-iingat laban sa banta ng Covid-19.