HOUSE-TO-HOUSE SEARCH AND DESTROY ACTIVITY KONTRA DENGUE, SINIMULAN NA SA SAN PABLO CITY

📷 Cio San Pablo

Azel Beatrice Cabiscuelas

Nagsagawa ng house-to-house upang sugpuin ang pagkalat ng dengue sa iba’t ibang barangay sa San Pablo, Laguna ang Sanitary Division sa pangunguna ni Sanitary Inspector Omar Velasco at iba pang miyembro ng Sanitation and Technical Team ng City Health Office (CHO) sa pamumuno ni Dr. James Lee Ho noong Mayo 16.

📷 Cio San Pablo

Kasama sa programa ang pamimigay ng mga Information and Education Campaign (IEC) materials at paglalagay ng larvicide sa mga pinamumugaran ng lamok at kiti-kiti.

📷 Cio San Pablo

Kaagad na namahagi ng flyers na nagbibigay impormasyon tungkol sa dengue ang Sanitary Team kasama sina Barangay Chairman Alex Reyes at Kagawad Homer Cornista sa Brgy. Sta. Isabel, ang unang binisitang barangay.

Sunod na bibisitahin ang Brgy. I-B sa Mayo 18 at Brgy. Del Remedio naman sa Mayo 20 na mayroong matataas na kaso ng dengue ayon kay Dra. Mercydina Caponpon, Assistant City Health Office.