3 VINTAGE BOMBS, NATAGPUAN SA RIZAL

📷 Rizal PPO

Ira Claire E. Marasigan

Namataan ng isang anak ng magsasaka at isang drayber ang tatlong vintage bombs sa Rizal kahapon, ika-17 ng Mayo.

Itinawag sa kapulisan ng magsasakang si Rico Bardel ang dalawang bombang nakita ng kanyang anak sa kanilang bakuran sa bayan ng Baras.

Napag-alamang ang mga ito ay Unexploded Explosive Ordnance kayat agad nakipag-ugnayan ang Baras Municipal Police Station (MPS) sa Provincial Explosives and Canine Unit (PECU) ng lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga bomba ay dalawang mortar na may sukat na 81 mm.

Samantala, isa pang vintage bomb ang nakita rin ng grab driver na si Eduard Castillo sa isang bakanteng lote sa bayan ng San Mateo. Pinaniniwalaang ito ay isang 80 mm round mortar.

Nanawagan naman Rizal Philippine National Police (PNP) na kaagad ipaalam sa mga awtoridad kung may matatagpuang ganitong klase ng bagay at huwag gagalawin upang makaiwas sa peligro, bagkus ay hintayin ang mga eksperto.