NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION, PINIRMAHAN NA ANG PAGTATALAGA NG MALAKING ILOG AND IYAM-DUMACAA RIVER BASIN MANAGEMENT COUNCIL

📷 National Irrigation Administration – Region IV-A

Ella Mae F. Villena

Sa pangunguna ni Regional Irrigation Manager Wilson Lopez kasama ang ilang national at local na ahensya ng gobyerno sa CALABARZON, pormal nang itatalaga ang Malaking Ilog and Iyam-Dumacaa River Basin Management Council (MIIDRBMC), ganap na ika-18 ng Mayo, 2022.

Layunin ng pagbuo ng konseho na magkaroon ng mangangasiwa sa pagsasagawa ng Integrated River Basin Management at Integrated Water Resources Management para sa Cluster 2 River Basin, kung saan nasasakop nito ang Malaking Ilog at Iyam-Dumacaa River.

Bukod dito, nakatakda rin ang nasabing council sa pangangalaga, rehabilitasyon, pagpapaunlad, pamamahala, at paggamit ng kapaligiran at likas na yaman sa loob ng nasabing cluster.

Samantala, makikiisa naman ang National Irrigation Administration (NIA) sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga plano at programa ng nasabing konseho. Inatasan din ang ahensya na mamuno sa pagtataguyod ng mga batas, tuntunin, at regulasyon na nauugnay sa Cluster 2 River Basin.

Ang nasabing aksyon ay naaayon sa national strategy para sa sustainable development na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, Series of 2008.