BAGONG LOGO NG BATANGAS STATE UNIVERSITY, IPINASILIP

Ella Mae F. Villena

Inilunsad na ng Batangas State University (BatStateU) ang bagong logo ng institusyon alinsunod sa kamakailang deklarasyon na ang naturang unibersidad ay hihirangin bilang National Engineering University, ganap na ika- 19 ng Mayo, 2022.

Matatandaan nito lamang ika-29 ng Abril, pinahayag ng Batangas State University na idedeklara ang institusyon  bilang National Engineering University sa bisa ng RA 11694 na pinagtibay noong ika-11 ng Abril, 2022.

Samantala, mapapansin sa bagong inilunsad na logo ng BatStateU ang katagang “The National Engineering University” na nagbibigay-diin sa bagong tatak nito bilang pagkilala sa kahusayan ng kalidad ng edukasyon sa larangan ng engineering.

“Along with the seal, OUP (Office of the University President) also released a new letterhead to be used for official documents and files,” ayon sa ibinahaging post ng Supreme Student Council – BatStateU Alangilan Campus.