HOUSE TO HOUSE CAMPAIGN SA BAKUNA KONTRA COVID 19, PUSPUSANG ISINAGAWA

📷 Health Education and Promotion Unit – DOH CHD Calabarzon

Rica Mae A. Magsino

Sa pangunguna ng mga kawani ng DOH-Center for Health Development-Calabarzon, at tulong ng mga Barangay Health Workers (BHWs), nagkaroon ng house-to-house campaign para sa pagpapabakuna laban sa Covid 19 sa Brgy. Poblacion Bantilan, Infanta, Quezon ngayong Mayo 19.

Dahil dito, naipaliwanag sa mga residente ang mga benepisyo ng pagpapabakuna kontra Covid 19, at makamit ang layunin ng mga bakunahan sa nasabing lugar.

📷 Health Education and Promotion Unit – DOH CHD Calabarzon

Upang magkaroon ng karagdagang kaalaman, namigay pa ng mga flyers ang grupo upang mas lalong magabayan, at mahikayat ang mga mamamayan na magpabakuna.

Ito ang hakbang na tinahak ng grupo upang ipaalala sa mga residente na ang bakuna ay libre, ligtas, at epektibo.

Sa pamamagitan nito, inaasahang maiibsan ang pangamba ng mga taong ayaw magpabakuna.