LIBRENG KAPON PARA SA MGA ASO AT PUSA, ISINAGAWA SA STO TOMAS BATANGAS

📷 The City of Sto.Tomas, Batangas

Ella Mae F. Villena

Sa pangunguna ng City Agriculture Office ay sinimulan na ang isang veterinary medical mission “Spaying and Castration of Dogs and Cats” o libreng kapon para sa mga aso at pusa ng mga residente ng Barangay Sta. Elena, Lungsod ng Sto. Tomas, ganap na ika-18 ng Mayo, 2022.

📷 The City of Sto.Tomas, Batangas

Pinamunuan ni Agriculturist Ofelia Malabanan ang nasabing programa kasama ang  ilang mga Veterinarian mula sa Batangas Provincial Veterinary Office na sina Dr. Annierica L. Cascalla, Dr. Lorelie V. Austria, Dr. Sarah Jane Moog at Dr. Dwigth P. Amparo.

📷 The City of Sto.Tomas, Batangas

Ang programa ay isang proseso ng operasyon kung saan ang testicles ng lalaking hayop (neutering)  at obaryo ng babaeng hayop (spaying) ay tinatanggal. Sa pamamagitan nito, makokontrol ang pagdami ng populasyon ng mga gumagalang aso o pusa sa mga lansangan na magreresulta sa pagbaba ng kaso ng Rabies.

Samantala, bukod pa sa nasabing spaying at castration ay nakatanggap rin ng libreng serbisyong medical ang mga alagang hayop ng mga residente gaya ng konsultasyon, deworming at vitamin administration.