MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA LAGUNA, NAKATANGGAP NG SUBSIDIYA AT IBA PANG BENEPISYO

Ira Claire E. Marasigan

Bilang bahagi ng ikalawang yugto ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ay namahagi ang Department of Agriculture (DA) Region IV-A ng PhP 10,402,440.63 halaga ng makinarya, binhi ng gulay, organikong pataba sa lupa, at iba pang kagamitan sa pagsasaka ang mga benepisyaryo ng Farmers Cooperatives and Associations sa Los Baños, at mga karatig-bayan, ika-17 ng Mayo.

Bukod pa rito, nakatanggap rin ng tulong pinansyal na PhP 5,000 ang mga magsasaka ng palay.

Naglaan naman ng PhP 3,000.00 para sa mga magsasaka ng mais at mangingisda para sa pambili nila ng krudo.

“Hinihikayat ko po kayo na paigtingin ang ating pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at mekanisasyon. Hindi po kami titigil sa pagsusumikap upang patuloy na payabungin ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka,” sabi ni DA Secretary William Dar

Mahigit 1.7M na magsasaka naman ng palay sa buong bansa ang inaasahang matutulungan ng nasabing programa.