PAGTATAYO NG EVACUATION CENTER SA SAN ISIDRO, BATANGAS CITY, INAASAHANG MATATAPOS NGAYONG MAYO

📷 Ruth Jamiel Ceniza

Ruth Jamiel Ceniza

Bilang karagdagang tulong sa mga Batangueño, lalo na sa mga mamamayang kadalasang biktima ng matataas na pagbaha na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga daan at paglubog ng ilang kabahayan, inaasahang matatapos ngayong buwan ang pagtatayo ng isang evacuation center na kasama ng iba pang ginagawang government facilities na matatagpuan sa San Isidro, Batangas City.

Ilan sa katulong ng kasalukuyang pagbubuo ng mga proyektong ito ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-Batangas II District Engineering Office (DEO), Alpha Omega General Contractor and Development Corporation, at Berto Lucci Builders & Supply.

📷 Ruth Jamiel Ceniza

 Ani Kharen Joy Tumambing, isang civil engineer ng Berto Lucci Builders & Supply, magiging bukas ang evacuation center sa buong lalawigan ng Batangas, lalo na sa mga lugar na kadalasang pinakanaapektuhan ng nagraragasang pagbaha tuwing may bagyo.

Bukod sa nasabing gusali, kabilang din sa mga itinatayong public buildings ay mga health centers at clinics, multi-purpose covered court, auditorium, housing ng government employees, at ang parking ng lugar.

Nagsimula ang proyektong ito noong Pebrero ng nakaraang taon, at inaasahang matatapos ngayong Mayo.