PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BATANGAS, MAGLULUNSAD NG JOB FAIR

📷 Batangas Provincial PESO

Rica Mae A. Magsino

Inanunsiyo ng Batangas Provincial Public Employment Service Office (PESO) na magkakaroon ng isang Job Fair ang Provincial Government ng Batangas sa darating na Hunyo 10, 2022.

Kabilang sa mga iaalok na trabaho sa mga aplikante ay mga oportunidad sa labas ng bansa.

Inaasahang higit itong makakatulong sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya at pati na rin sa mga bagong graduate, at makakabawas sa mga bilang ng mga unemployed.