ISANG BARANGAY SA TAAL, NAGKAROON NG SINKHOLE

📷 Taal LGU

Rica Mae A. Magsino

Nangamba ang mga residente dahil sa pagguho ng lupa sa tapat ng isang bahay na posible umanong masabing sinkhole sa Brgy. Apacay, Taal, Batangas ngayong Mayo 20.

Sinasabing gumuho ang lupa dahil sa sunod-sunod na nangyaring pag-ulan.

📷 Taal LGU

Kamakailan ay matatandaang binaha ang bayan ng Lemery na epekto rin ng ulan sa lugar noong Lunes.

Idineklara naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na simula na ng tag-ulan sa bansa noong Miyerkules dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan nitong mga nakaraang araw.

Kasalukuyang umiiral sa bansa ang Southwesterly Surface Windflow na siyang nagdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms sa kanlurang bahagi ng Nothern, at Central Luzon ayon sa PAGASA.