700 HYGIENE KITS, IBINAHAGI NG PHILIPPINE RED CROSS

📷 PRC – Batangas Chapter

Rica Mae A. Magsino

Namahagi ng 700 hygiene kits ang Philippine Red Cross (PRC) – Batangas Chapter sa mga residente ng Brgy. Banyaga, Agoncillo, Batangas noong Mayo 20 ng umaga.

Inaanyayahan ng PRC-Batangas Chapter na panatilihing malinis ang katawan lalo ngayong panahon ng pandemya.

Upang makaiwas sa sakit, at hindi makahawa ng sakit sa mga minamahal sa buhay ay nararapat na huwag kalimutang gawin ang paglilinis ng katawan.

“Together, let us help one another to improve our overall health and wellness,” ayon sa Philippine Red Cross-Batangas Chapter.