BUHAWI NANALASA SA GEN. TRIAS, CAVITE

📷 Trias City DRRMO

Ella Mae F. Villena

Tumama ang isang buhawi sa mga kabahayan ng Sitio Capriohan sa General Trias, Cavite, kung saan 84 na pamilya o 357 indibidwal ang lumikas, noong ika-19 ng Mayo, 2022.

Ilang bubong at mga debris ang nagliparan kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan sa nasabing lugar, dahilan para pansamantalang mawalan ng kuryente sa lungsod sanhi sa mga nasirang kawad dulot ng buhawi.

Ayon kay Barangay Santiago Chairman Rolando Pagkaliwangan, nanalasa ang buhawi sa lugar dakong alas-2:30 ng hapon habang umuulan. Gayunpaman, wala namang naitalang nasaktan sa nasabing insidente.

Samantala, naghanda naman ang Pamahalaang Lungsod ng Cavite ng pansamantalang tirahan sa mga apektadong pamilya sa isang paaralan habang kasalukuyang inaayos ang kanilang mga bahay.