
Rica Mae A. Magsino
Nagviral sa social media ang post ng isang netizen na si Rodne Rodiño Galicha tungkol sa nakatambak na election documents sa isang bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.
“These were forwarded to me by a friend, was taken in a vacant lot sa Amadeo, Cavite. Eventually, allegedly F2 logistics truck picked these up that day, too. It looks like these are from Tondo. We’re verifying the exact date of the footage and photo,” sabi ni Galicha sa caption ng kanyang post.

Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, naipahayag na sa Regional Election Directors ng Region 4-A, at ng National Capital Region (NCR) ang nasabing isyu. Naipaalam na rin ito sa Provincial Election Supervisor ng Cavite at sa Packing and Shipping Committee.
“The investigation is ongoing,” ani Laudiangco.